Si Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino “Jerry” Acuzar at OFW Party-list Representative Marissa del Mar Magsino matapos ang kasunduan sa pambansang pabahay.
INIHAYAG ni OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino na umabot na sa 10,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang mga nagsumite upang maging benepisyaryo ng ‘Pambansang Pabahay para sa mga OFW’ sa pakikipagtulungan ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino “Jerry” Acuzar at OFW Party-list. Ito ay sa loob lamang ng apat na araw mula nang buksan ang preliminary database noong Mayo 4.
“Ang 10,000 submissions na ating natanggap mula sa mga OFW ay susuriin ng DHSUD. Dadaan po ito sa assessment, verification, at paghingi ng documentary requirements na itinalaga ng DHSUD. Pagkatapos malinis ang listahan ng DHSUD, aabisuhan po nila ang OFW Party List kung maaari na po tayo muling magbukas ng panibagong batch ng mga aplikante,” ayon kay Magsino.
Idinagdag pa ni Magsino na mananatiling nakaantabay sa kanilang Facebook page ang sinumang nais maging benepisyaryo upang mabatid ang mga susunod na abiso ukol sa programa.
