Photo CG ASN EJ Esguerra / CGPA
SINASANAY ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang Philippine National Police Special Action Force sa kaugnay sa assault sa mga sasakyang pandagat.
Ang kalahok sa pagsasanay ay sakay ng BRP Teresa Magbanua na kasalukuyang nakadaong sa PCG headquarters sa Port Area, Manila.
Upang masiguro ang kakayahan ng PNP SAF sa pagpapatupad ng kanilang mandato, sasailalim sa Urban Counter-Revolutionary Warfare Course ang mga kalahok at magsasagawa ng serye ng training sa ship assault scenario upang masanay sa pagsampa at pagsecure ng vessel brdige at engine room.
Ayon kay PCG Special Operations Force Commander, Commodore Edgardo Hernando, ang pagsasanay ay lalo pang magpapatibay ng ugnayan at interoperability ng PCG at PNP, lalo na sa pagsasagawa ng mga training na maghahasa pa ng kani-kanilang kasanayan sa training at operasyon.
Pinangasiwaan ni Hernando at ng buong pwersa ng PCGSOF, kasama ang crew ng BRP Teresa Magbanua na pinamununuan naman ni Commander Erwin Tolentino ang on sea vessel assault training.
Ang PNP SAF ay ang pangunahing unit ng PNP na nakatuon sa tuluy-tuloy na operasying may kinalaman sa internal security at counterterrorism.
Ang nasabing traning ng PCGSOF AT PNP SAF ay magtatapos sa ika 22 ng buwang kasalukuyan.
