TINGNAN: Tuklap tuklap na bubong at sira-sirang mga tahanan ang nasaksihan mismo ng Philippine Coast Guard (PCG) Aviation Force sa isinagawang AERIAL SURVEY sa Surigao City, Surigao del Norte kahapon, ika-17 ng Disyembre 2021.
Mula sa himpapawid, kitang-kita ang mga tahanan na kung hindi natuklapan ng bubong, ay tuluyang nasira matapos ang pananalasa ng Bagyong #OdettePH sa probinsya.
Dagdag pa rito, napuno rin ng kulay-putik na tubig ang malawak na taniman na tanging pinagkukunan ng kabuhayan ng ilang pamilya sa Surigao City.
Ngayong araw, ika-18 ng Disyembre 2021, nagpupulong ang mga PCG officers at kapitan ng mga barko nito para makapaglunsad ng relief operations at medical missions tungo sa agarang pagbangon ng mga apektadong pamilya.
Kahit pa sa paparating na kapaskuhan, hindi titigil ang PCG sa paghahatid ng serbisyo at tulong na kinakailangan ng ating mga kababayan, saanmang bahagi ng bansa.
[Photo Courtesy: PCG]
