NAKAALIS na patungong Brussels, Belgium si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pakikibahagi ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-European Union (EU) Commemorative Summit mula ika-11 hanggang ika-14 ng Disyembre.
Nakatakdang magbigay ng talumpati ang Pangulo sa iba’t ibang talakayan ng ASEAN-EU Summit at makikipagpulong din siya sa mga negosyante at kapwa lider ng mga bansa para isulong ang pambansang interes pagdating sa agrikultura, pakikipagkalakalan, trabaho, at enerhiya.
