Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Nation

Pagkilala sa kabayanihan ng mga unang tagapagligtas

Metrosundaily March 30, 2025

Isa lamang si Rolando Baniqued sa napakaraming bumbero nasawi sa pagtupad ng Tungkulin. (Larawan mula sa Vera Files)

Ni Tracy Cabrera

HABANG patuloy na umaasa ang bayan sa katapangan at malasakit ng ating mga first responder—ang mga bumbero, rescuer at volunteer—sa oras ng sakuna o kalamidad, lalong lumalakas ang panawagan para sa mas mahusay na suporta at pagkilala sa serbisyo ng ating mga unang tagapagligtas. 

Kamakailan, isang boluntaryong hepe ng mga firefighter volunteer ang nasawi sa pagtupad ng kanyang tungkulin na iligtas ang lahat ng uri ng banta sa buhay at kaligtasan. 

“Ang sakripisyo ni Rodolfo Baniqued ay hindi lamang nagpakita ng panganib na kinakaharap ng mga boluntaryong bumbero, kundi nagsilbi ring mitsa ng isang mas matibay na kilusan para sa pagbabago—isang laban na ipinangakong ipagpapatuloy namin sa bawat hakbang,” tinukoy ni Ang Bumbero ng Pilipinas party-list president at party-list first nominee Dr. Jose Antonio ‘Ka Pep’ Goitia. 

Sa burol na ginanap noong Martes ng gabi para kay Rodolfo Baniqued, isang 52-anyos na boluntaryong hepe ng bumbero, personal na nagbigay-pugay si Dr. Goitia upang mangako ring magbibigay siya ng buong suporta sa lahat ng mga unang rumeresponde, tagapagligtas ng sunog at mga boluntaryo sakaling makakuha siya at ng kanyang kasamahan nominado ng puwesto sa Mababang Kapulungan.

Dumiretso mula sa isang fashion event, na kung saan nakasama si First Lady Liza Araneta-Marcos (FLLAM), na sumusuporta sa mga atletang Pilipino, tiniyak ni Goitia sa pamilya ni Baniqued na hindi masasayang ang kanyang sakripisyo, bagkus ang kanyang kabayanihan ay magsisilbing inspirasyon sa kanilang grupo upang itulak ang mga kinakailangang reporma sa sektor ng serbisyong pamatay-sunog.

Ayon sa first nominee ng ABP, nakabuo na sila ng mga konkretong plano upang maisakatuparan ang kanilang adbokasiya na ‘Para sa Mas Ligtas na Pinas’.

Bilang nag-iisang partylist na kumakatawan sa mga boluntaryong bumbero at tagapagligtas, prayoridad din nila ang pagpasa ng Firefighters’ Welfare Act, na naglalayong itaas ang sahod, hazard pay at mga benepisyong pangkalusugan ng lahat ng mga boluntaryong first responder.

“Bukod d’yan, kasama rin sa aming isinusulong ang Fire Equipment Modernization Bill, na magbibigay ng pondo para sa mga makabagong kagamitan sa pagsugpo ng sunog. Kailangan ding isulong ang Community-Based Fire Prevention Program upang sanayin ang mga komunidad at mapahusay ang paghahanda laban sa mga sakuna.

Post navigation

Previous Four Pinoys missing after devastating Myanmar earthquake
Next DFA Clarifies: 20 Pinoys arrested in Qatar, 1 released for political demonstration

Related Stories

VP Sara claims prosecution lacks proof, calls allegations fabricated
  • Nation

VP Sara claims prosecution lacks proof, calls allegations fabricated

Speaker backs GovNet: Digital shift makes gov’t faster, transparent
  • Nation

Speaker backs GovNet: Digital shift makes gov’t faster, transparent

Santos seeks probe into Villar siblings’ business interests
  • Nation

Santos seeks probe into Villar siblings’ business interests

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 15 Jul.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. Webpanda on Adiong: Marcoleta rallies should not affect VP Duterte impeachment trial
  2. Obet on House prosec Ridon brings maleta with mangoes, wigs: Not all luggage contains cash

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.