BINAWI ng self-confessed drug trader na si Kerwin Espinosa ang mga naunang alegasyon na konektado sa illegal na droga sa loob ng bilibid si Senador Leila De Lima.
Ang pagbawi ni Espinosa ay kasama sa counter-affidavit na isinumite sa Department of Justice (DOJ) ngayong Huwebes.
“Any statement he made against the Senator are false and was the result of pressure, coercion, intimidation, and serious threats to his life and family members from the police who instructed him to implicate the Senator into the illegal drug trade,” ayon sa counter-affidavit.
“For this, undersigned apologizes to Senator De Lima,” ayon pa sa dokumentong pirmado ni Espinosa.
PALAYAIN SI DE LIMA NOW NA – KIKO
Sa isang kalatas, sinabi ni Senator Kiko Pangilinan na “Ngayong binawi na ni Kerwin Espinosa ang lahat ng mga paratang laban kay Senator Leila De Lima, dapat palayain na si Senator Leila — now na!
Sinabi mismo ng aminadong drug lord na walang katotohanan ang mga paratang laban kay Senator Leila. Patunay na gawa-gawa ang mga ito.
Napakalaking sampal sa katarungan ang mahigit limang taong pagkakapiit ni Senator Leila.
Palayain na si Senator Leila, agad-agad!”
