IBINASURA ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang petisyon ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang hiling na umento sa minimum wage sa Metro Manila na P1,007.
Sinabi ng Department of Labor and Employment, RTWPB-National Capital Region (NCR) na hindi sakop ng kanilang huridiksyon ang petisyon ng TUCP.
Noong Marso 14, naghain ng petisyon ang TUCP para sa dagdag na sahod sa daily wage sa NCR kung saan ang kasaluyang minimum ay nasa P537.
Ayon sa grupo, ang kasalukuyang daily wage ay hindi na sapat upang ipambuhay sa isang pamilya.
Sinabi pa na ang kasalukuyang monthly take-home pay na P12,843.48 ay lubhang malayo sa monthly wage na P16,625.00 para mapakain ang lima kataong pamilya na naghihirap sa Metro Manila.
Dismayado naman si TUCP Spokesperson Alan Tan Jusay sa desisyon at iginiit na mas pinaboran ng RTWPB ang mga negosyante sa halip na mga manggagawa.
Sinabi ni Jusay na muli silang magsasampa ng petisyon kaugnay ng usapin.
