NAGSISIMULA na ang Department of Justice (DOJ) sa mga kasong posibleng maisama sa mga may-ari at operator ng MT Princess Empress na lumubog kung saan nasa 800,000 litro ng langis ang tumagas sa karagatan ng Oriental Mindoro.
“We are sorting out all the evidence so that we can file the proper complaint,” paniniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla ngayong Huwebes, Marso 16. “We can collate all the data necessary to build a case,” dagdag pa nito.
Nasa kamay na rin umano ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tao na alam ang lahat ng impormasyon tungkol sa lumubog na barko. Hindi naman nito kinilala ang taong tinutukoy.
“Isang major finding natin ay hindi siya brand new vessel (One of the major findings is that the vessel is no longer new),” sabi ni Remulla.
May ulat din umano na hindi bago ang tanker tulad ng ipinaaalam ng may-ari.
Nakarating din umano kay Remulla na sa kabila ng gale warning sa panahon, itinutloy pa ang pag-alis ng barko sa pier noong Pebrero 28 kung saan lumubog ito nang hampasin ng malalaking alon at hangin.
“It was not built to be a tanker from the very beginning. And we’re looking from the angle of insurance also kasi parang may insurance siyang napakalaki (because it appears it has a large amount of insurance),” dagdag pa nito.
Ang rebelasyon ni Remulla ay ginawa sa pagpupulong ng DOJ sa mga ahensiya ng gobyerno na tumatalakay sa mga posibleng hakbang na gagawin laban sa oil spill dulot ng paglubog ng MT Princess Empress.
