Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Nation

Gabriela humirit ng dagdag-sahod sa Kamara

admin February 17, 2022

SA kaliwa’t kanang pagtaas ng presyo ng bilihin, muling binuhay ng mga militanteng kongresista sa Kamara ang panawagang dagdag-sahod sa hanay ng mga manggagawa.

Paratang ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas, apat na taon nang ipinagkakait ng administrasyong Duterte ang giit na dagdag sahod ng mga manggagawang Pinoy. “Napakatagal nang ipinagkait ang signipikanteng dagdag-sahod. Hanggang sa pagtatapos ba ng termino ni Duterte, babaratin pa rin ang mga manggagawa gayong sunud-sunod ang taas-presyo ng mga bilihin? Hindi pwedeng ipagpa-eleksyon pa ang dagdag sahod,” ani Brosas.

Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), nananatili sa P537 kada araw ang minimum wage sa National Capital Region (NCR) habang higit na mababa pa ang arawang sweldong tinatanggap ng mga manggagawa sa labas ng kabisera.

Insulto aniya sa mga pamilyang Filipino ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin, habang kakarampot pa rin ang arawang sahod ng mga manggagawa.

Diin pa ni Brosas, hindi na sapat ang P537 per day minimum wage sa patuloy na pagmamahal ng presyo ng pangunahing bilihin para sa kani-kanilang pamilya.

Bagamat walang itinakdang halagang katumbas ng dagdag-sahod na hiling ng kongresista, may nakabimbin namang panukala sa Kamara.

Sa ilalim ng pending bill sa Mababang Kapulungan, isinusulong ang i-angat sa antas na P750 kada araw na sahod para sa mga minimum wage earners.

Tags: dagdag sahod gabriela

Post navigation

Previous 4 pang sabungero, bukod sa 25 nawawala, dinukot — CIDG
Next Hamon kay Duterte: Presyo ng langis ng Big 3 ibaba

Related Stories

2 Pinay nabbed at NAIA for smuggling ₱56M shabu hidden in coffee grounds
  • Nation

2 Pinay nabbed at NAIA for smuggling ₱56M shabu hidden in coffee grounds

No record of Bato leaving PH through international ports –BI
  • Nation

No record of Bato leaving PH through international ports –BI

Adiong Urges Lacson To Stay: Principled leaders key to strong institutions
  • Nation

Adiong Urges Lacson To Stay: Principled leaders key to strong institutions

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Sun, 24 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.