KINONDENA ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagpaslang sa beteranong broadcaster na si Percy Lapid kasabay ng panawagan sa Philippine National Police (PNP) na lutasin ang krimen.
Sinabi ng NUJP na si Lapid ang ikalawang mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng administrayon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Naunang pinatay sa saksak ang radio broadcaster na si Rey Blanco sa Negros Oriental noong Setyembre.
“The killing shows that journalism remains a dangerous profession in the country. That the incident took place in Metro Manila indicates how brazen the perpetrators were, and how authorities have failed to protect journalists as well as ordinary citizens from harm,” ayon sa pahayag ng NUJP.
Bandang alas-8:30 ng gabi sa Las Pinas nang barilin si Lapid ng dalawang suspect sakay ng motorsiklo habang pauwi sa kanyang bahay.
Siya ang host ng online broadcast program “Percy Lapid Fire” sa DWBL 1242 at kolumnista ng Hataw.
Special Task Force
Bumuo na rin ng special task force ang Philippine Natinal Polcie upang tugusin at kilalanin ang mga nasa likod ng pamamaslang kay Lapid.
