Photo courtesy ABS- CBN News
ARESTADO ang isang Juanito Jose Diaz Remulla III na umano’y pamangkin ni Cavite Governor Jonvic Remulla matapos mahulihan ng P1.3 milyong halaga ng marijuana sa BF Resort Village, Talon Dos, Las Pinas City.
Ayon sa pinagsanib na pwersa ng NAIA-IADITG at PDEA na nahulihan ng 937 gramo ng marijuana si Remulla.
Nasabat ng awtoridad kay Remulla, 38, ang droga na nakalagay sa brown pouches ng parcel na nakapangalan kay Remulla.
Nahaharap ngayon si Remulla sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kasabay nito, inamin naman ni Cavite Governor Jonvic Remulla, ayon sa ulat ng ABS-CBN News na pamangkin niya ang suspect na naaresto sa droga.
“Yes,” the governor said in a text message when asked by ABS-CBN News to confirm the reported arrest of a certain Juanito Jose Diaz Remulla III, reportedly his nephew, over illegal drugs in Las Piñas City.
