NAPUTULAN ng paa at kritikal ang kondisyon sa ospital ng isang lalaking nagtangkang mag-suicide sa LRT-1 sa Caloocan City.
Ayon kay Light Rail Manila Corporation (LRMC) spokesperson Jacqueline Gorospe, tumalon ang pasahero bandang alas-4:40 a.m. habang padating ang tren northbound sa Monumento Station.
Kinilala ng Caloocan City police’s East Grace Park sub-station ang biktima na si Georick San Juan, 31, na naputulan ng kanang paa. Pansamantala ring inihinto ang operasyon ng LRT-1 dahil sa insidente.
“Upon seeing that the male passenger was conscious, the LRMC team together with the Caloocan local government unit pulled out the passenger from the tracks and brought him to the nearby Caloocan Hospital for medical examination and treatment,” sabi ni Gorospe.
