TATLONG araw matapos magpunta sa mall kasama ang pamilya, isang dalawang taong gulang na bata ang nagpositibo sa Covid-19 nang magpakita ng sintomas sa sakit.
“Just diagnosed a 2-yr old kid positive for COVID-19. Asked if he could’ve been exposed to someone or if they went somewhere. Guess what they did? Went to the mall 3 days ago. Please mag-ingat po tayo (let us be careful),” ayon sa post ng doktor na nag-eksamin sa bata nitong Miyerkoles.
Ayon sa pamilya ng bata, isinama nila ito matapos luwagan at isailalim sa alert level 2 ang NCR. Dahilan para mailabas ang mga bata at maaaring papasukin sa mga mall at park.
Pinapapasok na rin ang mga bata sa mga mall basta’t may kasamang matatanda at pamilya.
Muli namang nagpaalala si Interior Secretay Eduardo Año na maging maingat pa rin at sundin ang health protocols.
Pinag-aaralan na rin umano nila ang paglabas muli ng mga bata higit ang mga hindi pa bakunado.
“That’s very unfortunate. That’s why we are still reminding everyone to follow the public health protocols and for the parents to discern in bringing their kids to the mall to be careful and only if it’s necessary,” sabi ni Año.
