
UMABOT sa 259 aso at 61 pusa ang nabigyan ng libreng vaccine ng anti-rabies ng pamahalaang lungsod ng Maynila ngayong May 1.
Isinagawa ng Veterinary Inspection Board ang mass anti-rabies vaccination sa Tondo at Sta. Mesa, Maynila
Sinabi ng pamahalaang lokal ng Maynila na mahalagang maturukan ng anti-rabies ang mga alagang aso upang hindi makapaminsala sa iba at maging ligtas maging ang pamilyang nag-aalaga rito.