KAPWA pinatay ang mag-live in partner sa Davao City nang tadtarin ng saksak sa katawan.
Ang lalaking biktima, inihulog pa ng suspect mula sa ikaanim na palapag ng condo unit na pansamantalang tinuluyan ng mag lovers. Sinabi na manonood lamang ng concert ang mga ito at dumayo sa lugar bago ang krimen.
Isinaisantabi na rin ng pulisya ang anggulong pagnananakaw dahil walang ginalaw sa gamit ng mga biktima.
Halos hindi na makilala ang lalaking biktima na nakita sa ibabang palapag ng gusali. Habang ang bangkay ng babaeng biktima, mayroon ding mga saksak na nakita sa loob ng tinuluyan nilang kuwarto sa condo unit na nasa ikatlong palapag.
Mula sa Paranaque City ang lalaki, habang mula naman sa Bacoor, Cavite. Magkahiwalay silang dumating sa condo noong Sabado para umano manood ng concert.
Inalis na ng pulisya ang anggulong pagnanakaw bilang motibo sa krimen dahil wala umanong nawala sa mga gamit ng biktima.
“Based sa evidence at mga gamit intact ang mga gamit nila pati pera and the IDs doon sa room then we found out. May kutsilyo, may dugo we believe before the incident nagsama sila sa isang room,” ayon kay Davao City Police Office (DCPO) Director, Colonel Richard Bad-ang.
Crime of passion ang isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga awtoridad.
“One of the motives that we are looking at is the crime of passion and anger isa. Why is it ang lalaki may stab wounds kung nahulog man siya didto sa 6th floor kasi may nakitang finger print at may nakitang bakas ng dugo it seems nandon siya nahulog. However yung paakyat sa 6th floor from the room [sa third floor] wala kang makikitang traces ng dugo. It seems may gumawa ng krimen binuhat ang lalaki at hinulog doon sa baba,” dagdag pa Bad-ang.
Dalawa ang persons of interest ng mga awtoridad, at humarap na umano sa pulisya ang isa sa kanila na siyang nag-book ng condo para sa babaeng biktima.
