Ni Jet D. Antolin
HINDI nagpakaiprokrita si First Lady Liza Marcos nang sabihin niyang hindi na ganoon sa dati ang pagkakaibigan nila ni Vice President Sara Duterte.
Inamin ng Unang Ginang na totoong hindi na maganda ang namamagitan sa mga Marcos at Duterte.
“Bad shot na siya (Sara) sa akin,” sabi ni Liza.
Sinabi ni Liza na nasaktan siya sa ginawa ni Sara sa pagtawa nito nang sabihang ‘bangag’ si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Naganap ito sa anti-Marcos rally na pinamunuan ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa Davao.
Tinawanan lang ng Pangulong Marcos ang alegasyon.
“Why would you call the President bangag ‘di ba? So — and then the camera panned on her, tumatawa. So siyempre nakita ko wow man, I mean, masakit ‘yan,” ayon kay Liza said in the sa panayam ng broadcaster na si Anthony Taberna na iniere sa YouTube ngayong Biyernes, April 19.
Sinabi pa ni Liza na ipinahihiwatig ng dating pangulo na gusto nilang magtagal sa posisyon at pinoporma na si Rep. Sandro Marcos para maging prime minister.
Itinanggi lahat ito ni Liza.
“Pero tumawa sila kaya for me…mali yata ‘yan …you’re getting sweldo from the government ‘di ba, you’re supposed to be the alter ego, we’re there protecting ta’s gagawin mo ‘yan. Mali ‘yan eh, you crossed the line,”
“I’m not a hypocrite,” sabi pa ni Liza.
Inamin nito na iniwasan na niya si Sara sa ibang okasyon na magkasama sila matapos ang insidente.
Sinabi rin nito sa isa sa mga departure ceremonies ng Pangulo, may pumuri umano sa kanya at binuweltahan niya ito sa pagsabing ‘bangag’ na sadya niyang nilakasan upang marinig ni Sara na hindi kalayuan sa kanila.
Sinabi rin niya na ‘bangag’ is the word of the day.
“I’d do it again…that’s not right,” sabi ni Liza.
Minsan na rin umano siyang sinabihan ng Pangulo na mag-behave ngunit nagsabi lang siya ng “Wrong person honey.”
“(That’s) entitled politics, we’re in the government, you’re the Vice President,” ayon pa kay Liza.
Sinabi pa ni Liza na naging mabait siya kay Sara nang tumakbo itong bise president ng kanyang asawa pero sumobra na umano ito.
“Bad shot na ‘yan sa akin.” “Unless she says sorry, maybe she will, maybe she —,” ayon pa kay Liza.
