
INILUNSAD ng Presidential Communications Office – Bureau of Communications Services kahapon, May 24, 2023 ang The Philippine Gazette, isang libreng pahayagan na magsisilbing tulay upang maiparating sa mga Pilipino ang mga impormasyon ukol sa mga programa at proyekto ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Maaaring makakuha ng kopya nito mula sa mga piling istasyon ng LRT-2 (Recto, Cubao, at Santolan) at PNR (Tutuban) at maging sa Manila North Harbor Terminal at Victory Liner Terminal sa Pasay.