
SINABI ni Justice Secretary Boying Remulla na isinailalim na sa witness protection ang kapatid ng ‘middleman’ sa Percy Lapid slay.
Idinagdag ni Remulla na magpapatuloy pa sa evaluation ang kapatid na babae ng middleman bago ito isailalim sa WPP.
Isa sa mga ‘middleman’ na kumontak sa gunman na si Joel Escorial ay namatay sa NBP Hospital.
Ayon sa autopsy namatay sa ang middleman.
Gayunman, tiniyak ng awtoridad na may isa pang middleman na tinitiyak na ngayon ang kaligtasan habang isinasagawa ang imbestigasyon sa pagpaslang sa beteranong broadcaster na si Lapid.
Dinala ni Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo ang kapatid ng middleman sa Department of Justice matapos humingi ng tulong ang kaanak nito. “Itinurn-over namin ‘yung isang relative nung involved dito sa kaso so nilagay sa witness protection program,” sabi ni Tulfo.
“So sinamahan sa office ko kanina and then ang sabi naman sa akin kasi dito mo na dalhin sa witness protection para mabigyan ng proteksyon. So ‘yun ‘yung participation niya sa kaso. Isa sa mga relative na involved sa kaso,” ayon pa kay Tulfo.
Isa pang middleman na kinilalang si Christopher Bacoto
ay nasa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology.
Inihayag din ng Philippine National Police na nasa 160 personalidad, kasama ang sinuspindeng Bilibid chief Gerald Bantag, ang itinuturing na persons of interest sa Lapid killing.