
IBA’T IBANG transport groups sa bansa ang nagpahayag ng kanilang suporta sa patuloy na pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) at kinumpirmang hindi sila sasama sa isasagawang tigil pasada bukas, Marso 6.
Ayon sa mga sumusuportang transport group, bukod sa makakaapekto lamang ang nasabing tigil pasada sa mga mananakay, mga negosyo, at ekonomiya ng kani-kanilang lugar, hindi rin ito ang solusyon para matupad ang mga layunin ng programa tungo sa mas maayos at komportableng serbisyo sa indsutriya ng pampublikong transportasyon.
Dagdag nila na ang hindi nila pagsama sa tigil pasada ay kanilang paraan para gampanan ang kanilang responsibilidad na makapagbigay ng maaasahang transportasyon para sa mga mananakay na araw-araw umaasa sa kanilang serbisyo.