
UMAABOT SA 11,934 bag ng hinihinalang smuggled onions na nakumpiska sa mga serye ng anti-smuggling operations ang inilibing nitong Sabado sa Zamboanga City.
Sinabi sa report na nagrereklamo na ang mga residente sa mabahong amoy ng nabubulok na sibuyas dahilan para ilibing na lamang ang may bigat na 71,551 kilo ng mga sibuyas sa compound ng Bureau of Plant Industry research center sa San Ramon, Talisayan.
“Wala naman directive sa central office na for donation so automatic siya for destruction kasi hindi na ito fit for our health or for animal health,” sabi ni Dr. Floralie Yeo, plant quarantine officer.
Hindi rin umano dinala sa Maynila ang mga sibuyas upang suriin sa presensiya ng kemikal dahil makonsumo sa oras ang proseso.
Nakumpiska ang mga sibuyas sa operasyon noong Enero 22, 23 at 25.