
DALAWANG security guards ni Pharmally executive Rose Nono Lim ang namatay matapos mamaril ang isa pang guwardya sa loob ng bahay ng una sa South Forbes Park Village, Lunes ng gabi.
Nabahiran ng dugo ang bahay ni Lin, treasurer at incorporator ng Pharmally sa 14 Narra St., at natalong kongresista noong nakaraang eleksiyon.
Ayon kay Makati police chief Col. Edward Cutiyog, dumating na lasing ang suspect na si Julius Cortez, 43, at nagalit nang makitang kaunting pagkain lang ang itinira sa kanya ng mga biktimang sina Jay Ar Tomenio at Eugene Sitjar.
Dito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang tatlo, ayon sa saksi, agad bumunot ng baril si Cortez at pinagbabaril ang mga biktima. Agad nasawi si Sitjar sa tama ng bala sa ulo habang si Tomenio ay tinamaan sa tiyan.
Tumakas si Cortez matapos ang pamamaril. Martes ng umaga nang arestuhin ito nang makita sa katabing subdibisyon.
Nabawi sa insidente ang dalawang basyo ng 9mm pistol.
Ayon sa pulisya, ang bahay ay nirerentahan ni Lin.