SA gitna ng pagluluwag ng mga restrictions sa bansa kasabay rin ang pagbubukas ng ekonomiya dahil rito nagsasagawa ng disinfection sa mga pampublikong lugar ang San Miguel Corporation upang makatulong sa pagbabawas ng pagkalat ng Covid-19 sa matataong lugar.
Umabot na sa 1,000 barangay ang napuntahan ng Animal Health Care ng San Miguel Foods sa buong bansa kabilang ang palengke, barangay center, farms, at kalsada maging mga kabahayan ay maaring libreng ma -disinfect.
Upang mapatay ang microorganisms na nagdudulot ng sakit,gamit sa paglilinis ang isang broad-spectrum disinfectant na kanilang sariling produkto na siyang pumapatay ng 500 strains ng bacteria, fungi at viruses na ginagamit rin sa mga pagamutan, critical installations, at opisina ng gobyerno.
Ayon kay SMC president Ramon S. Ang: “Kahit pa maluwag na sa restrictions at mataas na vaccination rate ay nasa gitna pa rin tayo ng pandemya kaya’t mahaba na sumunod sa strict hygiene practices. Kailangan ng madalas na paglilinis ng mga tinatawag na high-touch surfaces para mabawasan ng pagkalat ng germs at viruses.”
Katuwang ang socio-civic organizations naisagawa na ang disinfection sa mga farms sa mga barangay sa Batangas, Cavite, Capiz, Saranggani, Surigao del Norte, Agusan del Norte, at Caraga at sa mga palengke sa Masbate, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay, at Catanduanes.
Kabilang din ang Rotary Club District 3800, sa pagdis-infect sa mga ibang lugar sa Malabon, Navotas, Caloocan Valenzuela, Marikina, San Mateo, Antipolo, Taytay, Cainta, Pasig, and San Juan, at Mandaluyong.
Maging ang ilang kabahayan sa sa lalawigan ng Pangasinan, Benguet, and Tarlac; mga barangays sa Marikina, San Juan, at Taytay sa National Capital Region (NCR) ay kanilang napuntahan.
