Ni Cyrill Quilo
SA kabila ng patuloy na rehabilitasyon ng Manila de Bay, mas paiigtingin pa ang paglilinis sa mga Ilog Pasig at Tullahan River na siyang nagiging sanhi ng pagbabaha ng ilang lungsod sa Metro Manila.
Ayon sa pag-aaral na inilabas sa research website na Ourworldindata.org sa taon na ito, ang dalawang ilog na ito ay kabilang sa 10 ilog sa buong mundo na itinuturong dahilan na nag-iimbak ng mga solid waste tulad ng plastik na inilalabas patungong Manila Bay.
Ayon sa kanila, itinatapon rin sa ilog ang untreated sewage mula sa mga kabahayan at katabing pabrika o industriya.
Umaabot na 90,000 metric tons na ang naialis sa Ilog Pasig at inaasahan aabot ito sa 100,000 metric tons pagsapit ng kalagitnaan ng Nobyembre.
Sa ngayon ay nasa 1,400 to 1,700 metric tons kada araw ang extraction output sa Pasig.
Sinabi ni San Miguel Corporation president Ramon S. Ang “Kapag inabot na namin ang 2,000 metric tons kada araw simula ngayong buwan na ito ay aabot na sa 50,000 metric tons ang target namin bawat buwan bago matapos ang taon.
Para maabot ito ay naghanda na kami ng dagdag na equipment at tao para mapabilis ang proceso.”
Sa pakikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources ay may target na makapagtanggal ng 600,000 metric tons na basura kada taon.
Upang malinis ang tubig at mabawasan ang pagbaha, ang rehabilitasyon ng Ilog Pasig na pinondohan ng SMC ng P2 bilyon habang ang Tullahan river naman ay P1B.
