ANG isinilang na baby albino Galapagos giant tortoise. (Larawan mula sa Agence France-Presse)
HINDI inaasahang masilayan ng ilang mga namamasyal sa isang Swiss zoo ang masasabing kauna-unahang albino Galapagos giant tortoise na isinilang sa mundo habang nasa captivity ang magulang nito.
Sadyang ikinatuwa ng mga nakakita sa rare tortoise specimen na may puting kulay at mapupulang mata. Tumitimbang lamang ito ng 50 gramo at kasya sa palad ng isang tao habang ang magulang nito ay tumitimbang ng tonelada at lumalaking ng mahigit tatlong talampakan ang haba.
Ang ‘albinism’ ay genetic condition ma nagreresulta sa kawalan ng melanin, na siyang nagdedetermina ng kulay ng kutis o balat, buhok at mga mata. Sa mga hayop, maaaring magdala rin ito ng kawalan ng paningin o pandinig.
“The condition has never been observed in the tortoise species whose skin and shell are usually black, both in captivity and the wild. We are blessed by the gods,” wika ni Philippe Morel, may-ari ng Tropiquarium zoo sa Servion, western Switzerland. Batay sa listahan ng International Union for Conservation of Nature (IUCN), kabilang ang Galapagos giant tortoises, na nabubuhay ng mahigit 200 taon, sa tinatawag na mga endangered species sa mundo.
Sa kasalukuyan, umaabot lamang sa 23,000 tortoise ang matatagpuan sa archipelago ng Galapagos. “I believe the albino tortoise’s lifespan would be limited to a few weeks in the wild but is hopeful the creature, whose sex is still unknown, will live a long life,” masayang pinunto ni Morel.
“It’s crazy how much it climbs,” dagdag nito. “It’s more active than the other,” dagdag ng anak nito na siyang nangangalaga sa mga iba’t ibang hayop sa zoo ng kanyang ama. “The birth is also exceptional because the tortoises have difficulty reproducing due to their size—they can reach up to 200 kilogrammes (440 pounds). The rate of successful births is only around two percent,” sabi pa ng batang Morel.
