HALOS ikadurog ng puso ni Kapuso host Iya Villania nang matuklasang positibo sya sa Covid-19 – habang buntis at kailangang lumayo pansamantala sa tatlo pa niyang mga anak.
Sa kanyang Instagram post nitong Lunes, sinabi ni Chika Minute host na kailangan niyang magpakatatag lalo pa’t nakita niyang malungkot at umiiyak ang kanyang mga anak na sina Primo, Leon at Alana.
“Drew and I are still hanging onto that little chance that maybe the kids are spared,” sabi ni Iya sa kanyang caption.
Sinabi ni Iya na ang kanyang post ay para rin sa mga magulang na katulad ng kanyang nararanasan na pansamantalang hindi mayayakap o mahahalikan ang kanyang mga anak.
Ayon pa kay Iya na ito na ang panakamabigat na pangyayaring kailangang tanggapin matapos niyang malaman ng positibo siya sa Covid-19.
“Primo gets it, Leon is okay too because he follows his kuya’s lead, but Alana?? Boy, it broke my heart to see her cry for me and not being able to console her even for a bit,” ayon pa sa TV host.
Tiniyak namana ni Iya na hindi nag-iisa ang mga nanay na dumaranas ng katulad ng nararanasan niya.
“My tip? Try not to cry!!!! Coz the tears will only cause nasal congestion and lengthen recovery!” dagdag pa ni Iya.
“I know, I know… ang hirap! Man, I CRIED!!! But you have to get over it as soon as you can and get in that speed car towards recovery for your family.”
“Kapit guys! There’s a whole bunch of us! We can do it!,” ayon pa kay Iya.
