TRUE nga ba na nagtangkang manligaw si Donny Pangilinan kay Kathryn Bernardo?
Ito ang usap-usapan ngayon kung saan sa Youtube channel ni Ogie Diaz ay ibinuking nito na tinarget ligawan ng binata ang aktres noong kahihiwalay pa lang nito sa ex na si Daniel Padilla.
Ngayon ay napagtanto na ng netizens na totoong pumuporma si Donny kay Kathryn lalo pa’t naging viral noon ang video kung saan nakainom na ang aktres at nilapitan ito ni Donny para bigyan ng inumin para bumaba ang tama nito sa alcohol.
Pero, teka…. Hindi pa’t napapabalitang halos doon na rin papunta sa pagiging ‘real’ ng loveteam na DonnBelle?!
Ano kaya ang nangyari kay Belle Mariano kung hindi naudlot ang panliligaw ni Donny?
Totoo nga rin siguro na hanggang loveteam lang ang dalawa. No more. No less…
Wala pang pahayag ang dalawang kampo sa issue.
