SINIBAK na umano ng Smartmatic ang empleyado sa likod ng security breach na unang pinuna ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation chair Imee Marcos.
“I think parang tinanggal na sa trabaho yung taong ‘yun. That’s my understanding,” Commission on Elections chief Saidamen Pangarungan said.
“We told Smartmatic na hindi dapat maulit ito. ‘Wag na ‘wag nang uulitin itong nangyari very unfortunate incident kasi napakaliit na bagay and it created a lot of problems. Dapat di na maulit ito.”
“Since last week we required Smartmatic to present their side on the alleged leak of important data by one of their employees. Smartmatic informed us that they have meted the appropriate disciplinary action against that employee,” he said.
Sinabi pa nito na walang kinalaman ang data leak sa May 2022 elections.
“What was leaked were data concerning the internal organization and activities. They assured us that the security of the ballot, the configured SD cards were not compromised by that leakage,” ayon pa kay Pangarungan.
Gayunman, hinihintay pa umano ng opisyal ang report ng National Bureau of Investigation sa kaso gayundin ang balakin pa sa insidente. “We have asked our law department to submit to us all the possible actions we will take on this breach. It’s premature for us to disclose it habang inaantay namin ang report ng NBI but soon malalaman niyo.”
“Read my lips: we will not allow anyone to undermine the people’s confidence in our electoral system,” dagdag pa nito.
Dalawang lingo na ang nakalilipas, sinabi ni Marcos ayon sa Facebook post ng grupong tinawag na XSOX, na isang contractual worker ng Smartmatic ang pinahintulutan na kopyahin ang laman ng laptop.
Itinanggi ito ng Smartmatic at sinabing walang koneksiyon ang ginawa nito sa nalalapit na eleksiyon.
Hiniling din ni Pangarungan ang pagrebisa sa kontrata ng Comelec sa Smartmatic.
