
Malaking bahagi ng Dipolog City ang lubog sa baha dahil sa walang humpay na buhos ng ulan sanhi ng LPA at shear line. Photo courtesy: Kenny Ong, Charede Luna Bantilan, Images of Zamboanga Peninsula, DrawRegs Nacario

PATULOY ang walang patid na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng Dipolog kung saan umabot na sa leeg ang tubig.
Hindi rin madaanan ang Roxas bridge dahil gumuho ang malaking bahagi nito sa malakas na bugso ng ilog at pagbaha simula pa kahapon.




Ayon sa CDRRMO Dipolog, maraming residente na ang inilikas lalo na sa mga nakatira sa mababang lugar na pinasok na ng tubig ang mga tirahan.
Suspedido na rin ang klase at ilang tanggapan at pinaalalahanan ang publiko na huwag nang lumabas ng tirahan dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng low pressure area at shear line.
Nagtutulong-tulong na rin ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno sa paglikas, pagpapakain at pagpapatira sa evacuation center, higit ng mga bata at nakatatanda.
Humihingi ng dasal at tulong ang Dipolognon sa harap ng krisis na dinaranas gayundin ang panawagan sa gobyerno na pagtuunan ang kanilang lugar.