
HINILING ng Commission on Human Rights (CHR) ang agarang resolusyon sa kaso ng nawawalang beauty pageant candidate na si Catherine Camilon.
Ito ay matapos kumpirmahin ni Calabarzon police chief PBGen Paul Kenneth Lucas ang paglaya ng sinasabing suspect sa pagkawala ni Camilon na si Police Major Allan De Castro.
Si de Castro ay tinanggal na sa serbisyo ng Philippine National Police.
Simula pa noong Oktubre 2023 ay hindi na makita si Camilon at sinasabing si de Castro ang huli nitong kasama bago nawala.
Ayon sa report, simula Enero 16t, 2024 ay wala na sa serbisyo si de Castro.
Sa ginaganap na imbestigasyon, pinaalalahanan ng CHR ang PNP na sundin ang kanilang mantra na ‘To Serve and Protect.’