
POSIBLENG himatayin ka sa takot kapag nakakita ka ng higanteng buwaya pagala-gala sa kalsada.

Sa kuha ng netizen na sina Marc Joseph Domingo & DM Dela Cruz makikita ang isang higanteng buwaya na higit sa 20 feet ang haba. Nakita itong ipinaparada sa mga kalsada ng Antipolo, Marikina, Pasig at Mandaluyong.
Nakasakay ito sa truck, nakatali ang bibig at katawan at may piring ang mga mata.
Posibleng isang pakulo ito ng programa dahilan para sabikin ang mga tao.
