POSIBLE umanong pumalo sa pinakamataas na P86.72 ang presyo ng gasolina habang ang diesel sa P81.10 sakaling magpatuloy pa rin ang pagtaas ng preso sa global market, ayon sa Department of Energy (DOE).
Sinabi ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. na ang global oil prices ay patuloy sa pagtaas habang ang presyo sa bansa ay magpapatuloy din sa pagtaas.
“This is not just a problem of the executive department. This is a problem of course that will be a problem of all sectors in the government. We have a framework where we have the objective of fair pricing, but still we are unable to do that,” ayon pa rito sa ginanap na Senate Committee on Energy sa resulta ng Russia-Ukraine crisis sa presyo at suplay ng langis sa bansa.
Patuloy sa pagtaas ang presyo ng produktong petrolyo sa nakalipas na 10 linggo.
Nagbabala ang big 3 sa posibleng pagtaas muli ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa ilang balakid sa Russia, bilang isa sa pangunahing exporter ng langis.
Sinabi ng Unioil Petroleum Philippines na tinataya ang pagtaas ng presyo mula March 15 hanggang 21 trading week na ang presyo kada litro ng diesel sa P12.20 sa P12.30.
