NILINAW ni Gregorio San Diego, Philippine Egg Board Association chairman na tumataas ang presyo ng itlo sa Kapaskuhan dahil sa taas ng demand, gayundin sa kinakaharap ng bird flu, mababang produksiyon at pagtaas ng pagkain ng manok.
“Kakaunti na ang production at medyo tumaas ang demand dahil maraming produkto ang ginagamitan ng itlog tulad ng leche flan, cake kaya tumaas ang presyo,” sabi nito sa panayam.
Sinabi ni San Diego na maraming poultry trader ang lumipat sa itlog matapos bumaba ang deman dahil sa Covid-19.
“Nung nalugi ang mga nasa broilers noong isang taon, lumipat sila sa layer. Recently yung mga may puhunan pa na nalugi sa baboy dahil sa [African swine fever], lumipat din sa layer. Sabi nila dito na tayo kasi walang kalaban na imported,” paliwanag nito. “Ang problema naman hindi ni-regulate ng Department of Agriculture. Dumami nang dumami yung pumasok sa negosyo ng itlog kaya noong last quarter ng last year, nag-umpisa nang malugi yung mga farmers at ang mga karamihan sa tumigil ay yung mga small at medium na producers. Yung iba naman na malaki tinamaan ng bird flu.”
Kasama rin sa dahilan ng pagtaas ng presyo ang paglipat din ng mga magbabababoy at maggugulay sa produksiyon ng itlog.
“Problema kasi cost of production mas mataas dahil sa cost of feeds. Nagtaas ng 50 pesos per bag of feed,” he said.
“Even if we raise farmgate prices, hindi pa rin kami kumikita dahil sa taas ng feed. Pinakamurang source ng protein ang itlog pero dahil sa hirap ng buhay, tumumal kami mula ng tumaas ang presyo.”
Ang farmgate price ng medium-sized eggs ay nasa P6.20 sa Batangas at P7 sa Pampanga at Bulacan.
Una nang sinabi ng Department of Agriculture na normal lang na bumababa ang supply ng itlog tuwing tag-lamig.
Hinimok din ng Egg Board Association chairman ang gobyerno na i-subsidize ang mga egg producers sa mababang demand dahil na rin sa pagtitipid ng publiko. “Napakatumal. Wala ng pera ang mga tao…Nagbabawas na sa pagkain ang mga tao kasi hindi na sapat ang pera nila, inuuna siyempre nila ang bayad sa bahay, kuryente, tubig, sa pamasahe,” ayon pa dito.
