SILIPIN ang exciting na progress ng PNR CLARK PHASE 1 (Tutuban-Malolos) sa mga litratong ito!
Bilang bahagi ng massive North-South Commuter Railway (NSCR) Project, ang 37.9-kilometer PNR Clark Phase 1 ay may sampung istasyon na babagtas mula Tutuban, Manila, hanggang Malolos, Bulacan.
Alam n’yo ba na sa oras na maging operational na ito, aabutin na lamang ng 35 MINUTO ang biyahe, mula sa kasalukuyang isang oras at 30 minuto. Inaasahan din na nasa 300,000 pasahero ang mase-serbisyuhan nito kada araw.
Maliban sa hatid na ginhawa at comfort nito sa sa ating mga mananakay, layon din ng proyekto na makapagbigay ng trabaho sa ating mga kababayan, at makatulong sa mas lalong pag-usbong ng ekonomiya ng ating bansa.
ITO PO ANG #BUILDBETTERMORE.
[Photos Courtesy: Sumitomo Mitsui Construction Co., Ltd. and Taise-DMCI Joint Venture (TDJV)]
