Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Sports
  • Business
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Front Page
  • Business

BDO na ’hack’, pera ng depositors naglaho

Metrosundaily December 12, 2021

​INULAN ng reklamo ang isa sa pinakamalaking commercial bank sa bansa makaraang mawala ang perang nakalagak sa kanilang mga personal bank accounts.

Kinumpirma naman agad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nasabing kaganapan kasabay ng pagtitiyak na patuloy nilang tinututukan at tinutunton ang mga salarin sa likod ng online nakawan ng pera ng mga depositors ng BDO Unibank na pag-aari SM Group ng bilyonaryong pamilya Sy.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, nakikipag-ugnayan na ang kanilang tanggapan sa BDO Unibank kaugnay ng hacking sa banking system ng nasabing kumpanya.

“BSP will do everything to ensure the safety and integrity of the financial system as well as the protection of financial consumers,” tugon ni Diokno sa mamamahayag.

Sa pahayag ng BSP, inulan ng reklamo ang BDO Unibank (ang pinakamalaking bangko sa Pilipinas) mula sa mga depositors makaraang maglaho ang kanilang deposito sa nasabing bangko. Sa tala ng BSP, lumalabas na naglalaro sa P25,000 hanggang P50,000 ang natangay ng mga online kawatan sa bawat dumulog sa nasabing ahensya.

Nang imbestigahan, nabatid na ang mga nawalang pera ay nalipat sa mga accounts sa isa pang commercial bank – sa Union Bank.

“The BSP is in close coordination with BDO as well as UBP on this incident to ensure that remedial measures are being undertaken, including reimbursement of affected consumers,” saad ng kalatas ni Diokno.

“Rest assured that we continue to collaborate and engage (with) stakeholders,” dagdag pa ng opisyal kasabay ng pagtitiyak na poprotektahan nila ang mga depositors laban sa aniya’y “cyber-related crimes” tulad ng “phishing, SMiShing” at iba pang ipinagbabawal na transaksyon.

Ayon naman sa pamunuan ng BDO, kakarguhin nila umano ang mga nawalang salapi sa kanilang mga depositors.

“We will keep the affected innocent customers whole for their losses,” ani BDP Unibank chair Teresita Sy-Coson.

metrosundaily

Post navigation

Previous DOLE halts labor inspection in Dec
Next Duque palpak na naman sa kapos na supply ng heringgilya

Related Stories

LPG prices drop by P0.40 per kilo starting September 1
  • Business

LPG prices drop by P0.40 per kilo starting September 1

Peso plunges to all-time low of P62.26 against dollar
  • Business

Peso plunges to all-time low of P62.26 against dollar

PH peso plunges to all-time low, nears P62:$1 mark
  • Business

PH peso plunges to all-time low, nears P62:$1 mark

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Tue, 1 Sep.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. OMA55 on Search for 4 missing as vehicle plunges into river after Agana Bridge collapse
  2. Obet on House prosec Ridon brings maleta with mangoes, wigs: Not all luggage contains cash

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Facebook
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.