
INILAGAY sa mataas na alerto ang detention facility ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa.
Inihiwalay na rin ang mga puganteng dayuhan sa iba pang immigration violators, ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval ngayong Lunes.
SA public hearing, sinabi ni Sandoval na inatasan ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang bagong hepe ng warden facility na gumawa ng bagong hakbang matapos sibakin ang hepe at mga tauhan nito nang mabuko ang ilegal na ginagawa sa piitan.
Noong Enero 30, sinalakay ang mga selda kung saan nakakumpiska ng high-end cellphones at gadgets, pera, matutulis na bagay at construction materials.
“‘Yung bagong hepe ng ating warden facility ay in-instructionan ni Commissioner Tansingco to implement a heightened alert at ngayon pinaghihiwalay ‘yung lugar kung saan inilalagak ang mga fugitives at those with other immigration violations,” ayon pa kay Sandoval.
Nakatakda ring kasuhan ng Department of Justice angmga tiwaling kawani na sangkol sa illegal na aktibidad ng puganteng Hapones na akusado sa iba’t ibang aktibidad sa Japan.
“Kung makikita na may mga empleyado na naging remiss sa kanilang duty, sa kanilang responsibilidad sa facility na iyon, ay definitely they will be facing sanctions,” dagdag pa ni Sandoval.