
BATANGAS – Patay na nang iwan ang isang lalaki sa loob ng kanyang sasakyan sa Sitio Balok-balok, Barangay Cahil, Calaca, Batangas nitong Martes ng madaling araw.
Walang nakitang pagkakakilanlan ang biktima, ayon sa pulisya.
May mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang nasa edad 30-45 pataas na nakasuot ng green na t-shirt at maong pants.
Bukas pa ang makina ng biktima na nakasakay sa likurang bahagi ng kulay gray na Mitsubishi Mirage na walang plaka bandang alas 5:30 ng umaga.
Agad na ipinagbigay-alam ng mga residente sa Calaca Municipal Police Station ang pangyayari.
Natagpuan sa crime scene ang 12 cartridge ng 9mm,2 live ammunition ng 9mm at 1 slug.
Pinag-aaralan na rin ng pulsiya ang mga cctv footages sa lugar.