SINAMPAHAN na ng kaso ang anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla dahil sa pagkakakumpiska dito ng illegal na droga sa Las Piñas City Regional Trial Court.
Kinasuhan si Juanito Jose Remulla III ng paglabag sa Section 11 of Republic Act 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Inaresto si Juanito, panganay na anak ni Remulla, dahil sa pag-iingat ng umano’y kush na nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa report, nagsagawa ng operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa isang delivery sa BF Resort Village in Talon Dos, Las Piñas City.
Nakakuha sa operasyon ng hinihinalang kush na may halagang P1,311,800.
Walang inirekomendang piyansa ang prosekusyon.
“We filed for violation of Section 11 of RA 9165 that is possession of illegal drugs kasi ‘yon ‘yong, based on the evidence na in-evaluate, yoon ‘yong pinaka-appropriate na case na puwedeng i-file,” sabi ni Prosecution Attorney Jennah Marie Dela Cruz.
“That’s [a] non-bailable [offense] considering the amount of drugs,” dagdag pa nito.
