
BINAWIAN ng buhay ang isang 4-anyos na batang babae matapos sakalin ng sariling ina sa Davao City.
Dinala naman sa mental hospital ang nanay na sinabing tila nasisiraan ng bait.
Ayon sa pulisya, lagi na rin umanong sinasaktan ng nanay ang biktima. Katigasan ng ulo ang sinabing dahilan ng nanay kaya’t nasasaktan niya ang bata.
Nang maganap ang insidente ay muling sinaktan ng nanay ang anak. Sa tindi ng galit ay kinuha nito ang pajama ng anak at iyon ang ginamit pang-sakal sa bata.
Isinugod pa sa ospital ang bata ngunit hindi na rin ito umabot nang buhay.