SINABI ng Department of Transportation (DOTr) na inaasahan ang kakulangan ng Beep cards dahil sa umano’y kakulangan ng computer chips na ginagamit sa stored value cards na ginagamit sa mga tren sa Metro Manila.
Sa pahayag ng DOTr sinabi na naghahanap na sila ng alternatibong paraan upang masolusyunan ang inaasahang kakulangan ng Beep cards sa rail transit system.
Ayon kay Cesar Chavez, undersecretary for Railways of the DOTr, hindi umano makakapagdeliver ang Beep card provider AF Payments Inc. (AFPI) ng 75,000 SVCs (stored value cards) para sa MRT (Metro Rail Transit Line) 3 para sa buwan ng Hulyo 2022 sa kabila ng pakikipagkoordinasyon nito sa card suppliers sa ibang bansa.
Simula pa umano noong nakaraang taon naitala ang computer chip shortage na nakaaapekto na sa ilang industriya.
Sinabi ni Chavez na ang pandemya ang dahilan ng kakulangan at pagmahal ang shipment and logistics.
Dahil ditto, inutusan ng DOT rang lahat ng public transport operators ng railways na gumawa ng paraan upang kontrolin ang bentahan ng SVCs upang maiwasan ang takot o hindi inaasahang pangyayari ng mga mananakay.
