INILUNSAD sa pamumuno niVice President Sara Duterte ang pagggamit ng limang bus sa Office of the Vice President at inilaan na lamang sa Libreng Sakay program upang higit na mapakinabangan ng publiko.
Kasama ng Department of Transportation, inilunsad ng Office of the Vice President ang “Peak Hours Augmentation Bus Service (PHABS)- Libreng Sakay” ngayong umaga sa Parañaque Integrated Terminal Exchange.
“Sa ating limang wifi-ready buses para sa OVP Libreng Sakay Program, dalawang bus ang inilaan para sa ating mga kababayan sa Metro Manila, isa sa Davao City, isa sa Cebu, at isa rin sa Bacolod. Ang mga bus ay ipinahiram sa atin para magamit ng OVP. Ngunit, mas kapaki-pakinabang ang mga ito kung magagamit ng libre ng ating commuting public,” ayon kay Duterte.
