The suspect in Ateneo shooting, Dr. Yumol behind bars.
MATAGAL na alitan ang nagbunsod para barilin at patayin ng gunman si dating Lamitan mayor Rosita ‘Rose’ Furigay sa graduation ng rites anak sa loob ng Ateneo de Manila University sa Quezon City.
Tumangka pang tumakas ang suspect na si Dr. Chao-Tiao Yumol ngunit nasukol din ito matapos ang maikling habulan – mula sa pagkuha ng kotse at nagtapos sa sinakyan nitong bus.
Si Yumol ay kilalang doktor ng Lamitay City, Basilan at nahaharap sa 26 counts ng cybercrime charges noong 2019.
Kilala umano si Yumol na kritiko ng sinabi nitong corrupt na adminitrasyon ni Furigay sa loob ng maraming taon.
Agad namang itinanggi ng kampo ni Furigay ang lahat ng akusasyon ni Yumol at sinabing matagal nang may alitan ang dalawang panig.
Nakakulong na ngayon sa Camp Karingal si Yumol.
Nabatid na ipinasara ni Furigay, noon ay alkalde ng lungsod, ang clinic ni Yumol na nagpapatakbo ng walang kaukulang permit.Doon na umano nagsimula ang akusasyon ni Yumol mula sa umano’y pagkakasangkot nito sa pamilya Furigay sa droga hanggang sa korupsiyon ng administrasyon.
Kasamang nasawi ang aide ni Furigay na si Victor George Capistrano at ang security guard na si Jeneven Bandiola.
Samantala, nagpapagaling na sa ospital ang anak ng dating mayor na si Hannah na binaril din ng suspect. Nakatakda sanang magtapos si Hannah nang maganap ang madugong insidente.
