SINABI ng Department of Labor and Employment (DOLE) na iniakyat na sa P6,000 mula P5,000 ang sahod ng mga domestic helpers sa Metro Manila, base sa ipinalabas na kautusan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board.
Tinataya sa 200.000 domestic helper sa capital region ang makikinabang kung saan 60 porsiyento nito ang nakatira sa bahay ng kanilang employers.
Bukod sa Metro Manila, ang bagong minimum pay sa domestic helpers ay P3,500 sa Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao sa P5,500 sa Central Visayas.
