MALALIMANG imbestigasyon ang ginagawa ngayon ng pulisya matapos ambusin ang mag-asawa sa Sitio Carapiohan Brgy. Santiago, General Trias City, Cavite bandang alas-2:15 ng hapon ngayong araw (Mayo 12, 2022).
Ayon sa ulat ng General Trias City PNP, ang mga biktima ay kinilalang sina sina Vincent Cabugnason, 31, at Marilyn Cabugnason, 31 anyos, kapwa residente ng Barangay San Bartolome Sto. Tomas, Batangas.
Sakay ang mga ito ng itim na Toyota Wigo (DAV 9831) patungo sa Sitio Carapiohan Brgy. Santiago, General Trias City, Cavite nang biglang paputukan ng armadong kalalakihan ang sasakyan ng mga biktima.
Dinala ang mga biktima sa GEAM Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ang mga ito.
Sa ngayon ay nasa follow up operation na ang General Trias City PNP para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspect.
