
KINATIGAN ng Commission on Elections en banc ang pagbasura sa disqualification cases laban kay Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nangunguna base sa partial tally ngayong Martes.
Sa boto na 6-0-1, the en banc kinontra ng Comelec ang motions for reconsideration na naglalayong baligtarin ang naunang pagbasura sa tatlong disqualification cases at petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni Marcos.
Nag-inhibit naman ang dating abogado ni Marcos na si dating Comelec Commissioner George Erwin Garcia.
Gayunman, ang desisyon ng Comelec ay maaaring rebisahin, baligtarin o katigan ng Supreme Court.