Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Regions

4 patay, 8 sugatan sa Cagayan, Ilocos

admin May 8, 2022

APAT katao ang naitalang patay habang walo naman ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na pananambang sa mga lalawigan ng Ilocos Sur at Cagayan 48 oras bago ang takdang araw ng halalan.

Unang pumutok ang sagupaan sa pagitan ng mga tagasuporta ng mga magkakatunggaling kandidato nito lamang nakaraang Sabado sa bayan ng Masingal sa Ilocos Sur, kung saan napaslang ang mga biktimang kinilalang sina Lerry Pol Torda, Recto Bagani ang dalawa pang kalalakihang hindi pa tinukoy ng lokal na pulisya.

Agad din namang nadakip ng mga rumespondeng pulis ang dalawang salarin – si Minelio Tolentino Oliver at Eddie Uzon na tanod ng Barangay Labut kung saan naganap ang malagim na insidente.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng iba pang suspek na diuamno’y mabilis na tumakas. Narekober sa pag-iingat ng mga suspek ang isang kalibre .45 na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaslang.

Sa paunang ulat ng pulisya, lumalabas pulitika ang motibo sa likod ng karahasan sa pagitan ng mga tagasuporta nina mayoralty candidates Lorry Salvador Jr. at Alrico Favis, na asawa ng nakaupong alkalde ng naturang bayan.

Sa isang pahayag, ipinag-utos naman ni acting PNP chief General Vicente Danao ang isang malalimang imbestigasyon.

“I have already ordered a deeper probe into the circumstances surrounding the shooting incident. Again, we earnestly appeal to the public to be cautious and avoid making conclusions on the incident until the final report and recommendations are done,” aniya.

Sa bayan naman ng Peñablanca sa lalawigan ng Cagayan, nalusutan naman ng isang kapitan ng barangay at tatlong iba pa ang kamatayan makaraang paulanan ng bala ng mga salaring lulan ng isang motorsiklo ang sinasakyang rescue service vehicle sa kahabaan ng National Highway, Barangay Quibal ng natirang lokalidad.

Kinilala ang mga biktima na sina Brgy. Captain Bonifacio Caliguiran at asawa nitong si Marvie Caliguiran, Armelante Collado at ang 13-anyos na si John Rey Caluigiran na pawang mga residente ng Nanguillattan, Peñablanca, Cagayan.

Narekober naman sa lugar ng insidente ang isang mga basyo ng balang ginamit sa pananambang.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP sa hangaring matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas sa hindi batid na direksyon.

Bago pa man pumutok ang dalawang insidente ng karahasan kaugnay ng halalan ngayong araw, naglabas ng datos ng PNP kung saan 16 sa 63 insidente ng karahasan mula Enero hanggang Mayo 8 ang sinasabing beripikadong “election-related violence.”

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, pasok sa nasabing talaan ang sagupaang naganap sa bayan ng Masingal sa Ilocos Sur.

Tags: ambush cagayan

Post navigation

Previous DOH deploys vax kiosks in voting precincts in Ilocos region
Next Detained Senator de Lima allowed to vote on May 9

Related Stories

Four rescued from submerged motorboats off Bohol, Maasin waters
  • Regions

Four rescued from submerged motorboats off Bohol, Maasin waters

Community journalist killed in Negros encounter; media group demands justice
  • Regions

Community journalist killed in Negros encounter; media group demands justice

2 more PNPA cadets report hazing; upperclassmen arrested
  • Regions

2 more PNPA cadets report hazing; upperclassmen arrested

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Fri, 1 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.