
Ang bumagsak na Cessna plane. Photo courtesy: CAAP
BUMAGSAK nang pabaligtad ang isang Cessna 172 plane sa bayan ng San Fernando sa La Union, Martes ng umaga.
Base sa report, nakatawag pa ang crew ng aircraft sa CAAP bago mag 8:30 ng umaga, ngunit nag crash din ito. Dalawang pasahero nito ang sinasabing nagtamo ng injury dahil sa aksidente.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) agad din na tumulong at nag-responde ang Coast Guard District North Western Luzon (CGDNWLZN).
“The Coast Guard Medical-NWLZN and Special Operations Unit-NWLZN helped the CDRRMO in rendering first aid to the victims and brought them to the Lorma Medical Center for further medical attention,” pahayag ng Philippine Coast Guard.
Bandang 9:26 a.m., tumungo rin sa lugar ang team ng Marine Environmental Protection Unit at naglatag ng dalawang 25-meter oil spill booms para kontrolin ang pagtagas ng langis.