UMAABOT sa P85 milyong halaga ng party drug na ecstasy ang nakumpiska sa Central Mail Exchange Center sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Itinago ang kontrabando at pinalabas na dog food ang mga ito galing ng The Netherlands.
Dumating umano ang parcel noong Marso 19 at kinuha ng consignee saka dinakip ng awtoridad sa Bureau of Customs-NAIA.
Ang consignee ay mula pa sa Cabanatuan, Nueva Ecija at kasamang nadakip ang isang barangay official na kasama nito nang kunin ang parcel.
