Courtesy: Gogetfunding
TATLONG jeepney drivers sa Pangasinan ang namatay umano sa heat stroke dulot ng matinding init na naramdaman.
Inaalam ngayon ng One Pangasinan Transport Federation (OPTF) kung ang pagkamatay ng dalawang drive sa Calasiao at isang driver sa Pangasinan ay konektado sa heat stroke.
“Lagi ko sinasabi na talagang mainit yung panahon, tulad ngayon itong oras na ito. Magpahinga lang sila. Huwag nilang ipilit kung talagang hindi nila kaya para was din sa trouble,” ayon kay OPTF President Bernard Tuliao.
Nauna nang inireport ng Pagasa ang dangerous level ng init ng panahon na umabot na sa 47°C sa mahigit 30 lugar nitong Lunes.
“’Yung mga nasa labas na mga traffic aids natin, mga policemen, mga delivery men, mga jeepney drivers, dapat may baon sila na tubig. Tricycle drivers, ganun po. Dapat handa po sila laging may dalang tubig,” ayon naman kay Dagupan Health Officer Ophelia Rivera.
