TUMAAS na sa P250 kada kilo ang presyo ng galunggong mula nang maglabas ng anunsyo ang Department of Agriculture (DA) nilagdaan pahintulot para makapag-angkat ng isda sa ibang bansa, naging mabilis ang paggalaw ng presyo ng galunggong sa merkado.
Subalit, taliwas sa inaasahang pagbaba ng presyo ng galunggong sa mga pamilihang bayan, biglang umusad pataas ang halaga ng nasabing isda na ngayon ay mabibili sa presyong P250 kada kilo.
Pag-amin ng mga tindera ng isda sa ilang pamilihan sa Metro Manila, hindi halos mabili ang galunggong na kanilang ibinebenta dahil sa taas ng presyo – bagay na hindi anila kontrolado lalo pa’t ibinabagsak lamang sa kanila ng mga kapitalista ang mga suplay ng isdang kanilang ibinebenta ng tingi sa palengke.
Pinagbuntunan naman ng sisi ng grupong Pamalakaya ang pamahalaan dahil sa anila’y kabiguang i-regulate ang presyuhan ng suplay sa hanay ng mga mangangakal na pinahintulutang mag-angkat ng isda mula sa bansang Tsina. Giit nila, agarang pagpapairal ng price control sa galunggong at iba pang isda sa merkado.
“With P250/ kilogram retail price, galunggong is no longer considered as poor man’s fish. This unreasonable pricing is mainly caused by the government’s failure to regulate private fish traders who secure their profits by jacking up the wholesale prices and eventually pushes up the retail prices at unaffordable level,” ani Fernando Hicap na tumatayong chairperson ng nasabing grupo ng mga mangingisda.
