Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Maging mapanuri sa mga produktong tinatangkilik

admin February 20, 2024

DAHIL sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin madami sa mga Pilipino ang naghahanap ng mga pamilihan na kung saan mas makakamura at makakatipid sila.

Malaking tulong din kasi ang ilang pisong maitatabi ng isang konsyumer sa tuwing mamimili sila ng kanilang mga pang araw-araw na pangangailan.

Ang ilang kababayan nga natin ay nagtitiyaga din mag-ikot para lang makahanap ng mga pamilihan na mura ang mga paninda.

Ang ganitong mga konsyumer ang tila tinatarget ng mga bagong supermarket na gaya ng DALI.

Kapansin-pansin ang dipirensya sa presyo ng mga produktong ibinibenta sa DALI kumpara sa mga mas sikat at mas malalaking pamilihan.

Sa unang tingin, nakakatuwang mamimili dahil sa sobrang abot-kayang halaga ng ilang produktong ibinibenta ng DALI, na tila kamukha at mapagkakamalang ilan sa mga kilalang produkto.

Pero kapag tiningnan mong mabuti ang mga ito, ay kapansin-pansin na tila’y iniba lang ang mga pangalan samantalang ang disenyo ng bote, kahon o lalagyan ay parehong-pareho sa ilang pinagkopyahang produkto nito. Kinakailangan yatang bigyang pansin ng pamahalaan ang diumano’y pagbebenta ng ilang mapanlinlang na produkto at pati na din ang maling pamamalakad ng DALI.

Dahil bukod sa pangamba sa kalusugan ng mga konsyumer, dapat suriin din ng Department of Trade and Industry (DTI) kung may mga posibleng paglabag sa copyright o intellectual property ang ilang mga produktong diumano’y ibinebenta sa mga sangay ng DALI. Noong Pebrero 2021 at Hulyo 2021, nauna nang nagbigay ng babala ang Food and Drug Administration sa publiko na huwag bilhin at kainin ang DALI Foods Lemon Cake at DALI Soymilk, sa kadahilanan na ang mga nabanggit na produkto ay hindi dumaan sa tamang pagsusuri ng nasabing sangay ng pamahalaan.

May ilang mamili na din ang nagpahayag sa social media ng kanilang pagkadismaya sa produktong nabili nila sa DALI.

Ang isa pa nga’y sumubok bumili ng bigas, ngunit sinabi may amoy ang bigas at mas masarap pa daw ang binibentang NFA Rice sa palengke.

Maganda naman sana na dumadami ang mga pamilihan sa ating bansa dahil kasabay nito ang pagdami din ng mga pagkakataon na makapagbigay ang mga ito ng iba’t ibang mga promo o diskwento sa mga mamimili upang lumiit ang kanilang gastos.

Ngunit huwag naman sana itong gawing rason para pagsamantalahan ang ilan nating kababayan sa pagbebenta ng diumano’y mga substandard na produkto sa kanilang mga tindahan. Hindi porke’t mura ay agad-agad nating tatangkilikin, kailangan din maging mapanuri sa ating mga binibili lalo na kung ang mga ito’y ipapakain natin sa ating mga mahal sa buhay. Nakakalungkot kasing isipin na dahil lang sa konting matitipid ay maaring malagay sa alanganin ang ating buhay o kalusugan at maging ng ating mga mahal sa buhay.

Tags: dali

Post navigation

Previous Lawmakers welcome Senate-House common ground in econ Chacha push
Next Relokasyon bago demolisyon sa North Bay Boulevard, Tondo

Related Stories

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

House of Representatives
APRIL 22, 2026
https://www.youtube.com/watch?v=hqemrlEn54E
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 29 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.